Wednesday, 24 July 2013

TSR

Nasulat ko ang tula na ito noong nakatambay ako sa riles for five minutes. Taong 2009 nang wala akong magawa at pinilit na kumuha ng inspirasyon at lakas sa lahat ng tao na aking nakita. Iba't ibang anggulo, iba't ibang istorya. Lahat ay gustong maging bibo, lahat busy sa pang-aano.

Tula Sa Riles

Ngayon ko lang ulit natitigan
Sa riles di nagbago ang kabuhayan
Dating ingay na nakagisnan
Sa mga tao ito na yata ang kasiyahan
Nagmamasid at naiinitan
Sa sarili tila wala na ang nakasanayan.

Dapat ko ba itong ikalungkot
Sa paginog ng buhay sa bawat sangkot
Matagal na ang buhay ay nakabaluktot
Sa pagasa lahat sila ay nakabalot.

Simple lang marahil ang laman ng kukote
Bukas sana ay makabili ng kamote
Kahit pa maghapon mamulot ng bote
Malinis lamang at patas ang diskarte.

Sila naman ay mga simpleng tao
Di na ninais makarating pa sa paraiso
Basta ang pagkain ay laging sakto
Hindi na masisira ang ulo
Okey lang kung ang kain ay kulang sa tatlo
Basta sila daw sana ay tumagal sa mundo.

________
O, alam mo na ang gagawin mo... pindutin this link para makilala mo pa akong mabuti. Salamuch powwhhz!

Thursday, 6 June 2013

USOK.

Bumuga, nagbuga, ang usok ay di pumalya.

Kung first time lang ang pag-uusapan ay malamang marami ka nang maibibida na kwento sa inuman or sa simpleng tsismisan lamang. Unang ano, first time sa anuhan, unang kuwan, pinaka-unang chene. Ako rin kaya may perstaym.

Continue reading.

Noong unang lapag ko dito sa Singapore napansin ko kaagad ang magaan na pakiramdam sa akin ng atmosphere. Nagka-bonding agad kami. Parang sinasabi ng bansang ito sa akin na --"Kamusta naman ang panama ng bansa mo sa akin?". Wag ka nga! Nasanay lang ako sa Pinas na maraming sasakyan, mausok at pang-5th sa Environmental Performance Index out of 11 countries sa ASEAN Region.

Less polluted ang Singapore compare sa bansa natin, but locals here tend to make reklamo kase nga daw ay mausok at polluted na ang bansa nila. Naku powww! Try nyo kaya pumunta sa Manila, medyo mas mausok lang at polluted ng 300 times. Don't get me wrong, di ko sinisiraan ang Manila. Magagalit sa akin si Mayor Lim, Mayor Estrada at Yorme Isko. Ito lang naman ang unang ipinaramdam sa akin ng friendly atmosphere dito sa Singapore.


If you will ask me kung gusto ko dito, syempre tatango ako. Nod nod nod. Marami kaseng uwak, tagak, kalapati, mynah, parrot at kung anu-ano pang ibon na palipad-lipad lang sa vicinity. Hindi sila tinitirador at sasabihing ligaw kaya inadobo. Ayon sa Birds Act dito sa Singapore "Any person who kills, takes or keeps any bird, shall be guilty of an offence and shall be liable at pa-simpleng papasakan ng tatlong kilong patuka sa puwet". Kaya mag-isip isip kayo. 

Birds are sign na hindi pa polluted ang lugar. Marami naman migratory bird sa atin, pero halos lahat sa provinces nakikita kase hindi pa masyadong polluted ang lugar. Nakakatuwa ang mga bird dito kase hindi mahiyain at lalapit sila sa'yo. Minsan nga pinagluto ko sila ng mais at talaga namang pinutakti nila, kahit hindi sila putakte.      

Isa pa nga palang okay dito ay safe ang lugar, kahit late night ka pa maglakad sa kalsada. Mababa kase ang crime rate dito at sa puntong ito ay nakakalamang ang Pinas, at least kahit man lang sa crime rate ay naungusan natin sila. Masarap nga yata mag-pulis dito e, kase nga wala masyadong krimen. But they always say here na "Low crime does not mean zero crime". 

Babala: Bawal mag-chewing gum dito. Bawal dumura anywhere (although may nakita na rin ako na gumagawa nito). At bawal ang umihi sa gilid ng kalsada (sa gitna pwede). +

__
Gusto ko lang batiin ang aking sarili ng maligayang pagbabalik sa pagsusulat ng blog. Click this link to know more about me at maraming salamat sa pagdaan mo dito sa aking blog. Please give my regards to your family until sa 3rd level of your consanguinity and also to your suking tindahan. Ayos group hug!

Wednesday, 23 January 2013

TALANG.

Nainis, nainis. Ang buhok ay numipis.

48 years ago ang last status ko sa facebook. I wasn’t able to check for a time kase nga busy sa pag-aararo. Bigla akong nanibago when I opened my FB, ang dami nang bago. Yung mga dating matino ang status, ngayon ay binago na sila ng mga kaaway nila. Pinilit sila ng mga kinababanasan nila na sumagot ng karumalduwal (karunungang nakakaduwal). Paminsan-minsan ay binibiro tayo ng tadhana at talaga namang mababanas tayo sa mga pangyayari at sa tao mismo. Hindi yata talaga mawawala ang ganyang klase ng tao. Pambalanse kase sila sa global warming. Sila ang dahilan ng pagkakaroon ng atmospheric pollution, acid rain and ozone depletion.

Kaya kung papatulan natin sila, lalo lang dadami ang katulad nila. And remember may doctorate degree sila sa pambabanas. Kung patuloy tayong maaapektuhan sa pinaggaga-gawa nila ay malamang makapagpatayo pa sila ng Talangka University. Doon pag-aaralan pa nilang mabuti kung paano mambabanas ng kapwa at ang pinaka-importante sa kanila ay ang mahila ka ng pababa o ang tinatawag nila na “Talangka Mentality”. They are very proud sa bansag na ito sa kanila, atleast daw may mentalidad sila.

Crab2

Bago ko tapusin ang blog na ito ay minabuti ko na magbigay ng mga palatandaan kung paano mabilisang malalaman (2seconds lang alam mo na!) na ang taong kaharap o kahalubilo mo ay nagtataglay ng talangka or crab mentality.

Iwasan kung siya ay:
1. Mamasa-masa ang gilid ng mata na may kasamang paglobo ng laway, simultaneously.
2. Namumula ang katawan pag naiinitan, pasimula sa batok hanggang balakang.
3. Kulay orange ang bilbil.
4. Masakit mangurot using their pinky finger and thumb. 
5. Patagilid maglakad. 

___
Salamat sa paghihintay sa bago kong kwento at sana ay kinapulutan ito ng aral. I-tsismis mo sa inuman ang blog na ito 'pag lasing na mga barkada mo. By making pindut-pindot this link ay makikilala mo po akong mabuti. Mabuting mabuti. Mabuti naman at pinindut mo ang link. Hanggang sa muli kong pagsusulat sa toilet. Ingat powhhzz kayo!