Kasabihang Munti

May kasabihan ang mga matatanda sa kanto na sadyang hindi basta-basta sinasabi or kahit pa ipakiusap mo sa duwendeng gusot, talagang ang prinsipyo nila ay hindi mo kayang mabaluktot.

Kaya ito, isusulat ko na lang. Kung narinig mo na ito sa iba, ako ang oridyinal nito. Pwede mo naman 'tong i-command+c at command+v sa status mo. Wag mo lang aangkinin. Tandaan mo lang ang kaswabihan na ang taong mapang-angkin ay sampung taon na di makakakain ng kanin.


Sa bawat susulpot na kaaway ay may matitipid ka na laway.

Lahat ng kababaihan ay may karapatan, lalo na 'pag Asian.

Hindi lahat ng gusto mo ay iyong makukuha kahit na snatcher ka pa.

Ang taong matapang, kung minsan ay tumitiklop din 'pag may utang.

Daig ng dudera ang cum laude at magna.

Ang leader na mataas ang lipad, siguradong sa boss muna magpapalapad.

Aanhin pa ang ganda, kung ikaw naman ay panget talaga.

Masakit ang katotohanan, nguni't mas masakit ang maipit sa pintuan.

Ang taong maangas ay may gripo sa tagiliran bukas.

Biglang nagdilim ang paningin mo sa bilis ng suntok ni misis na dumapo sa noo mo.

___
Kung pipindutin mo ito ay siguradong magiging mabuti kang tao sa loob ng isang linggo.

No comments:

Post a Comment