Monday 24 December 2012

PILA.

Pasko na pala maya-maya, makagawa nga ng maruya.

Ngayong panahon ng kapaskuhan, makikita ang karamihan ng mga OFW sa halos lahat ng sulok ng outlet sale, sabi nga ng kasabihan "Kung nasaan ang sale, naroon ang Pinoy nakikipagsiksikan". Banggitin mo na ang lahat ng sale nandoon kami, yard sale, warehouse sale, closing out sale, wife sale at marami pang ibang sale. Deadma na ang pawis at amoy ng katabi, makikipagsiksikan at makikipag-unahan kami, makakuha lang ng matinding gift para sa inaanak, kapuso, kapatid, kapamilya at pati na rin kapatilya.
Testcollage

Ang mga Pinoy ay sadyang mapagbigay, kahit nga kaaway gustong bigyan ng tinapay na may vetsin. Give 'til it hurts ang motto ng mga Filipino. Ganyan naman talaga ang drama ng buhay ng mga Pinoy parang pang-MMK, habang nakakaiyak lalong tumataas ang ratings. Minsan sa buhay natin need natin talaga umiyak, katulad nalang habang namimili ako, naluha ako sa amoy ng katabi ko habang sabay kaming naghahalungkat ng damit. Matiisin din tayong mga Pinoy, inisip ko na lang na nagbabalat ako ng sibuyas. Atleast, di ko na kailangan gumamit ng wind vane from science class ni Mr. Olase, alam ko na sa akin papunta ang hangin.

Mapagbigay at matiisin tayong mga Pinoy, tayong mga OFW.

Kaya ngayong kapaskuhan, pasalamatan nyo ang inyong kapamilya na OFW na nagpadala ng pang-gimik nyo sa Boom na Boom at MOA.

Kami ang buhay na bayani ng ating bayan, mabuhay kami at hindi kami namatay sa amoy ng ibang lahi. We survived them.

Makapagbayad na nga, ang haba pa ng pila.

__
Salamat ulit sa pagdaan mo dito sa blog ko, minsan daan ka naman sa riles marami akong kamag-anak doon. Make pindut-pindot this link to know more about me at baka minsan ay makapag-kape na tayo sa bubong. Merry Christmas to you and give my regards to your family.
Teka pala, para mo nang awa... i-share mo 'to sa kaibigan mo! Haha. Ingat sabi ni John Lloyd!

Wednesday 5 December 2012

MAHIRAP.

Madali lang isipin ang kahulugan ng pamagat ng blog post na ito. Madaling lang, kase kabaligtaran lang ng madali. Pero kung uusisain mo ang mga kalbo, baka mapakamot sila sa ulo. Sadya yatang marami itong kayang gawing pagbabago sa buhay ng mga tao. Sa isip. Sa salita. O, wag mo sabihing sa gawa! Huwag mo sabihin... gawin mo!

Hindi ako sumisigaw ha, nagkukwento lang.

Mahirap ka kung ikaw ay hindi madalas maintindihan ng kausap mo, bata man sila o matanda. Ayusin mo muna ang thought na tumatakbo (anong race na?) sa iyong isipan at tsaka mo ibuga ng SWAbe, 'wag magmadali at pakabahin ang sarili. Ulit-ulitin lang ang ganitong proseso at siguradong ikaw na ang susunod naming kandidato.

Mahirap ka kung sarado ang pananaw mo sa mga bagay-bagay. Isipin mo na lang palagi ang unang parte ng bugtong, "hindi tao, hindi hayop". Pero 'wag mo isipin na isa ka sa mga iyan. Hindi tao ang kaaway mo kundi ang iyong sarili, pag ipinagpatuloy mo ang ugaling asal mo. Hindi hayop ang kausap mo, kaya marapat lang na bigyan mo sila ng chance na makapagpaliwanag kahit sa dilim.

Mahirap ka kung ikaw ay ipinanganak na mahirap, pero di pa dyan dapat matapos ang kahulagan ng salitang ito para sa'yo. May pag-asa pa. Mag-aral at magtiyaga. Gawin mong inspirasyon ang buhay at pagsisikap ng iyong mga magulang. Gawin mong inspirasyon ang kwento at tagumpay ng iyong mga kapitbahay.
Basta gawin mo.

Inspirasyon

Mahirap ka kung hindi mo ito nabasa. B_ _ _et ka! Hehe.

___
Thank you for reading my story. Share your mahirap experiences by clicking the "response" button below. By making pindut-pindot this link you will know more about me and after that kilala mo na ako. Salamat ulit sa pagdaan mo dito sa blog site ko. Hanggang sa iyong muling pagbabalik. Give my regards to your Nanay, Tatay at yung sa may gusto ng tinapay.



Sunday 18 November 2012

TEKNO.

Napaindak, napasayaw. Ang lahat ay lumundag at humiyaw.

During my era, the 80's, it's hard to resist the beat coming from the popular band like Devo, OMD, Duran Duran, Spandau Ballet, Soft Cell, Japan, Culture Club and ask your daddy about some. We call it that time as Techno (TechnoPop), wherein most of the musics are generated using the synthesizer that could be employed in a different manner to produce rock or disco music. That was our generation. TechnoPop. Techno. New Wave.       

But nowadays, techno is Technology. Pag marami kang gadget na dala, "techie" ka na tao. Pag marunong ka mag-fb, mag-youtube, mag-twitter, mag-pinterest, "techie" ka na tao. Before the word "texting or text" grow popular, nilalaro lang namin 'yang teks na 'yan dati sa kalsada together with tumbang preso, piko, mataya-taya, 5/10, taguang-pong at habulang hubo (? -ask your dad also about this, this is actually depends on what district or barangay you belong). 
Tekno


Whatever the future, let this technology grow by contagion. Let us learn more over this technology and use this to illuminate the most crucial issues of our times.

Technology is always there, katulad kanina, may tatlong anaps na tumatawid kahit malakas ang ulan. Tumatakbo sila to the bus stop while covering their right ear instead of their head. Upon reaching the bus stop, I saw the bluetooth earpiece. Ahh Techno! 

___
Thank you for reading my story. Make pindut-pindot this link  to know more about me. You can also share your generation experience by clicking the quick response below. 
Photo courtesy of my Kuya, salamat.




Thursday 15 November 2012

ITLOG.

Aling maganda
Na aking kasalubong kanina.
Kay tamis ng ngiti
Sa langit ang mata'y nakatupi.
Natisod, natapilok
Hawak na   i tt   l  o   g gg   ay
N  a
      h u l
             l
           ooo  ooo
                    gg gg
                         g g gggg!

Egg
Exhibit No.1 #itlognamalikot.

__
Click here to know more about me and you can share this blog para hindi ka mahulog.






Saturday 10 November 2012

ATENG.

Ang isip ay natulala. Sa narinig at nakita.

Gabi na naman at plano ko mag-ubos ng oras, hanap ako makakainan. So, sakay ako sa bus at nag-swipe ng pamasahe upon entering the malamig na bus. Ahhh, ang sarap ng amoy ng bagong bus. Then derecho na sa likod to sit sa seat. Two seats away from me ay may di kaiga-igaya na amoy, so deadma lang kase sanay na naman ako. Mas mabaho pa utot ko sa kanila kahapon noh! Then next bus stop pumasok na ang bida ng aking kwento.

I-describe ko muna sya.

Isa s’yang OFW (Oversized Filipino Worker), naka ulap blue Hello Kitty shirt na singkit at may dalang blue na clutch bag at yung ibang description n’ya ay malalaman mo nalang as my story progress.
Umupo na si Ateng sa harapan ng dalawang anaps (anaps ang tawag namin sa mga taong di nabiyayaan ng ok na amoy). Upon sitting, si ateng na OFW, looked at the two anaps sa likod nya at parang gusot ang mukha sa naamoy at sabay baling pabalik at nag second look pa. Di nya napigilan ang sarili at nasabi in tagalog “Grabe naman ang ambaho, sayang ang binayad ko” in a loud voice ha, then sabay bukas ng clutch bag at kuha ng cologne at ipinahid sa kamay at inilapit sa ilong nya na mamantika. At this point, nanliit ako sa narinig at nakita ko, ganyan ba talaga ang ibang pinoy sa ibang bansa. Sana nag-iisa lang s’ya! Wow ateng antaray ng gesture mo, even though they don’t understand kung ano man ang pinagsasabi mo e, your action tells it all. Hayy kaloka ka! Inisip ko nalang baka gutom lang si ateng at nasikmuraan pa s’ya ng amoy.

I have learned in some friends here na kaya daw ganun ang amoy nila ay dahil sa kinakain, you are what you eat daw kase e. So pag kumain ka ng fish baka makakalangoy ka na, try n’yo. But whatever the reasons sa kanilang amoy, I think it is more on a culture, try respecting each others culture para walang gulo, na culture shocked ako kay ateng e. Kung titignan mo naman sya ay di rin naman kaiga-igaya ang face nya, dapat lang talaga na umasta ng tama ayon sa hilatsa ng mukha. Di naman ako mapintas na tao, pero ito kaseng si ateng ay maliit, mataba, parang gasul.

Filipinos are every where all over the world kaya minsan kung nakaka-encounter tayo ng tao na katulad ni Ateng, ay wag natin sya gagayahin. May picture pala ako ni Hello Kitty na suot ni Ateng, nagrereklamo din sya e.


Helloateng

Makapag dinner na nga at sana ay di ko na makasakay ulit ang Oversized Filipino Worker na ito. Gigripuhan na kita next time!

__
Thank you for reading my story. Pindutin mo ito to know more about me. Please share this blog or simply leave a quick response below and promise, di ako magagalit.

Sunday 28 October 2012

NAYBI.

Maitim. Matanda. Kuba. Makupad. 
Kung ‘di mo pa naaabot ang ganitong estado o itsura ikaw ay mapalad.

Maganda. Maaruga. Mabuti at bukas palad.
Kung ikaw ay tumanda at dala-dala ang ganitong katangian ikaw ay mapalad.
I remember my childhood getting especial treatment, getting a much bigger slice of the pie come christmas time or just an ordinary day to them having an extra money to give, extra money to share. I missed those days that I am very special to my favorite husband and wife. At some point in time sa buhay ko while growing up sa riles thinks how much love they gave and shared to my family is priceless and they never thought of getting anything in return. Natural lang sa kanila ang tumulong. 
Now that she is old and very weak, ‘di ko maisip kung saan sya kumukuha ng lakas. I know she is not perfect, she flawed. While some are frustrated with their flaws, she concentrates on giving unconditional love to her children no matter what. A woman with full of grace in her heart that will always think ways to survive their daily living. 

The last conversation I had with her before going back here in Singapore was to get her a “pansit bihon” and a mefenamic acid for her aching body. Pero diko nabili, instead I bought her some grocery items and delivered to their shanty under the P. Zamora link bridge. The day of my flight I went to her and had a little talk and she said to me “Aalis ka na ulit?, Basta wag mo ako kalilimutan ha. Hindi ko na kaya e”. My heart melts and I said to myself, ofcourse di kita makakalimutan kase ikaw ang paborito kong tita, paborito kong ninang at ang paborito kong ka-birthday, Nay Bireng.
Nb2
Nb3

Salamat Nay Bireng at Tay Sulib sa tulong n’yo sa amin nung panahon na nag-aaral pa kaming lahat.

Nb4

We will be having our "pancit bihon" party pag-uwi ko, Nay Bireng. Promise. 

___
Thank you for reading my story. Click here to know more about me and if not asking too much please share my blog to your friends and family. Salamuch.
You can also email me at jocapsmc@gmail.com or click the "responses" button below to leave a message.



Wednesday 24 October 2012

PATOK.

Ang hatak ay patok. Pag bumanking, ingatan ang ulo at baka mabagok.

“Fortune, Fortune, Fortune! Aalis na oh, nagmamadali rin kami!” I remember hearing this from one of the jeepney helper (pahinante) of the patok jeepney during my Eat Bulaga heydays. Sasakay ako from Fernando’s Stop and Shop going to Katipunan para pumasok sa EB and at that time ginagawa pa lang ang MRT 2. Sobrang traffic, lalo na pagdating sa Cubao. Pagbaba ko sa NCBA, Katipunan kakilala ko na ang halos lahat ng pasahero ng jeep. Exchange beeper number na kami.

Panalo talaga ang malakas na music ng patok na jeep na halos sumabog na ang left ventricle at superior vena cava mo! (‘wag ka maarte part ng heart yan!). Nakakamis talaga ang panahon na ‘yon at ang pawis ng katabi ko. Dito kase sa Singapore ang bus ay walang built-in music na bongga. Pero nabuhay naman ang aking aorta ng marinig ko sa Kiss92 FM radio station dito na sinabing “It’s More Fun In The Philippines”. Nakakatuwa marinig sa radyo ng isang convenient shop slash gasoline station ang campaign na ito.

The effort of the Department of Tourism in promoting our motherland will catapult the country into one of the region’s best performer in the future. Salamat Ramon Jimenez and all the people working at Tourism Department simula sa gate hanggang sa bubong ng building n’yo. Let us help everyone to self promote our country ntalagang “It’s More Fun In The Philippines” lalo na ‘pag nakakain sila ng balut. +

___
Click here to know more about me and let us share our story. Our true story. Thank you for reading and you can re-tweet, like and share my blog to your friends and our kababayan as well as making a quick comment by clicking the "responses" button just below this line. Hindi ako magagalit, promise. Salamuch powhz!

Tuesday 16 October 2012

LASING.

Hindi naman lasing pero mata'y naduduling. 

In na sa makabagong panahon ang tipo ng taong, lasing pero walang pera, lasing pero walang trabaho, lasing pero tulog at ang lasing na gusto lang talagang maglasing.

Si Guidaben ay isang classic example ng lasing na gusto lang talaga maglasing, Hobby nya lang!


___
Salamat sa pagdaan mo dito sa blog ko, minsan daan ka naman sa riles marami akong kamag-anak doon at hanapin mo si Guidaben. Make pindut-pindot this link to know more about me and give my regards to your family.

Teka pala, para mo nang awa... i-share mo 'to sa kaibigan mo! Haha. Mag-ingat ka palagi. +

Sunday 14 October 2012

PILIT.

Kinuha . Pinilipit.
Pinilit. Isinukbit.
Ipinahid sa damit
ang laman ng ilong na madikit.

___
Hindi ito kadiri. Madalas talaga syang gawin ng daliri.
Kilalanin mo pa akong mabuti. Para sa pag-usad ng ating mga beauty. 
#makarhymelangtalagaako



Wednesday 3 October 2012

KUHA.

Nakita. Nakatihaya. Kung pupulutin ba ay nakakahiya?
Nakatingin ako sa langit ng bahagya (parang 30x60 na triangle) habang naglalakad at binibilang ng dila ko ang aking mga ngipin. Patawid na ako sa kalsada nang sa gitna nito ay may natanaw akong makintab na bagay. Nakita rin sya malamang ng iris ni Kuh A. Polotin, di tunay na pangalan.
Napahinto kami ng ilang minuto sa tapat ng kumikinang na bagay kase my brain assumed that it was a gold, pero mali sya, ito ay 1 Singapore dollar. Di malaman ni Kuh kung pupulutin nya, sa hiya nya ay nilagpasan nalang ung S$1 siguro yung brain nya sets her up in advance na wag na pulutin. Kinakanta na ng isip ko ang “Ako ang Nagwagi” habang papunta sa kabilang rampa ng kalsada. Naisip ko lang bigla na kung araw araw ako makakapulot ng wandalar, sa edad  kong ito siguro mayaman na ako.
Pero natutunan ko rin sa alta de sociedad na hindi madaling yumaman, mas madaling maghirap at ito ay napatunayan ko na since birth, promise. Pero may mga paraan naman para makaluwag-luwag. Tulad na lang ng makilala ko si Manny, eto tunay na pangalan ‘to.

Mannyfin


Manny introduced to me the power of internet marketing kahit super busy ka pa at super serious po kami to help people earn an extra income online. Click here to know more about me. Thanks!

Tuesday 2 October 2012

BATAS.

Matagal na nating nasubukan ang pagkakaisa ng bawat Pinoy, bagyo, lindol, sunog, pagtaas ng pamasahe, traffic sa eskinita, iniwan ng dyowa, nandila na asawa at ngayon ay ito namang Cybercrime Prevention Act of 2012 (R.A. 10175), na magkakaisa ang lahat para tutulan.


Bawal2


Kung ating uusisain ay mukhang pang kriminal ang titulo pa lamang, tama at talagang kulong agad ang sino mang mag re-tweet, re-blog, re-post or share any updates containing criticisms. Pati na rin ang pag-like ng fb status ay pwede na rin arestuhin ng mga pulis pang-cyber. Astig din ang gobyerno ngayon dahil may karapatan na silang kumuha ng data sa bawat social network account natin, packing tape naman! Nagsipagnginigan ang mga bagang ng tao sa Pilipinas at planong magkaroon ng malawakang protesta ang mga kapamilya, kapuso at kapatilya sa cyber world para labanan ang mga cybercrap at ang mismong Cyber Law na ito.

Nakakatakot din ang “eMartial Law” na ito dahil anytime pwede ka nila invite sa fb as prisoner nila, ganun lang kadali magpakulong ngayon. This R.A. 10175 gets graver punishment kontra sa libel case committed by traditional print media. Traditional print media libel gets 4years and 2months while online libel is punishable by 12years imprisonment, anak ng torta tama ba naman yan! Ok lang sana kung sa MalacaƱang tayo makukulong e, atleast makikita ni Pnoy kung gaano karami ang papakainin nya araw-araw.

Hopefully maging maayos ang ending ng R.A 10175 na ito at magbalik sigla ang buhay ng mga Pinoy kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay na via internet lang nila nakikita at nakakakwentuhan. +

___
Did you know that earning money using FB or other social networking site can be a success story. A true story.

WISIK.

Malamig parang tubig, di naman pag-ibig.

Medyo matagal n a  panahon na rin na di ko nakikita ang mga High School batchmate ko. Namiss ko tuloy nung kapanahunan namin sa Mataas na Paaralan ng Mababa. Madali lang magsulat at sa palagay ko dun ako natuto magsulat ng ingles. Sample sulat ko: “Barkada 88 was here”, “What are you Holding On?”, “I can see Nothing”. Yan ang mga katagang naisulat ko sa banyong mapanghi at dito ko rin nakasalubong ang first crush ko, matalino, maputi, masipag at magulo ang buhok.

At sa tuwing makakasakay ko sa bus every Tuesday ang kamukha ng first crush ko ay para akong winiwisikan ng tubig sa mukha. Mukhang mabango si Ang Ghan Duh, di tunay na pangalan.

Martes na naman o kay tulin ng araw, naupo sa harapan ko si Ang Ghan. Makinis ang batok at ang ganda ng kalahating mukha nya na nakikita ko sa reflection ng salamin ng bus. Swerte ko at wala kaming katabing mga anap (pana pag binaliktad ang basa). Ang anap o anaps ay mga taong di masyado kaiga-igaya ang amoy mapaumaga man o lalo na sa hapon. Di naman ako karerista (racist), pero minsan masama rin kapag napapaligiran ka ng masasamang amoy. 

Balik tayo kay Ang Ghan, sa tantsa ko ay nasa early 20’s pa lang sya kase maaga pa e, 7am. Sa ganda ng kyutiks nya ay mukha syang mabait na anak at di sya inuutusan ng mga magulang maghugas ng platito kaya sya na mismo ang nagkukusa. Mauuna sya bababa sa akin ng 2 bus stops. Kaya bago pa man bumaba ay pinilit ko tapusin ang blog na ito.

Angghan

Pinindot na nya ang dingdong at lumakad na sa exit door. Takbo na rin ako para sundan sya at matapos na ang kwento ko sa kanya. Pagbaba namin ay inihatid ko sya ng tingin hanggang sa building na pinagtatrabahuhan nya. Pero di ako sure kung dun nga sya nagwowork. Kase doon sya pumasok kaya naisip ko dun sya pumapasok. Sakto.
Naglakad na ako papunta sa work ko. Next Tuesday ulit Ang Ghan Duh. +    


Monday 1 October 2012

KAYOD.

Nagmamadali. Napapangiti. Nangingiwi kase naiihi.
Kasama ko ang mga barkada kong tsinoy (tsismosong pinoy) nang mahagip ng aking kaliwang mata si Kadyo, di tunay na pangalan. Nasa edad kwarenta pataas na sya at may sukbit na mabigat na mahiwagang backpack. Sa tantsa ko sa kanya ay kahapon pa sya pagod. Isa syang tipikal na pinoy (i-google mo). May dala syang plastic na may lamang pagkain, siguro tsibog nya paguwi o pasalubong sa mga anak. Isang plastic lang naman ang dala nya, kung iisipin mo di yun magkakasya sa isang pamilya, kung di mo naman iisipin walang kwento. Baka sya nga lang ang kakain mag-isa. Baka nasa Pilipinas ang pamilya nya. Baka
Mahirap talaga ang buhay sa labas ng bansa, bukod sa mahirap makipag-usap ay ibang iba talaga ang kultura, kung susumahin mo, bale mahirap talaga. Naalala ko tuloy ang ginawa kong kanta para sa kaibigan ko na nasa barko, pero wala itong tono.
Kayod
Kung naging hobby mo na ang kumayod in your entire life para sa pamilya mo ay bilib ako sayo. Pasasaan ba at makakaluwag-luwag din tayo. +

___
Thank you for reading my story. By making pindut-pindot this link you will know more about me. Hanggang sa iyong muling pagbabalik-basa sa aking blog. Salamuch kapwa ko OFW.

Sunday 30 September 2012

SIMULA.

Marami na akong nakita. Marami na akong nasipa.

Minsan sa buhay natin marami talaga taong nagdaan sa atin, literal na dumaan lang sa harapan natin. Ginawa ko ang blog na ito para lang mabigyang istorya ang mga taong nakita ko na di ko man lamang nakilala. Maaaring masama o mabuti sila. Maganda sa aking paningin at may maganda rin akong na-imagine (wholesome po!). Basta ito ay kwento lamang na tumakbo sa aking isipan na maaring kapulutan ng aral o maaari rin naman magkaroon tayo ng pulutan. Tagay na! 
Teka bago pa magkalasingan ay bigyan muna natin ng buhay ang kwento ni JP, di tunay na pangalan.
Jaskeng Pasko Ni JP sa Changi Airport.
Nagutom. Napagod. Naghanap ng makakainan. Nakita ko si JP  na kumakain sa canteen ng Changi Airport Terminal 1. Isa syang empleyado ng paliparan na may ekis na berde sa likod at harap ng katawan. Sa tantsa ko, nasa paga bente pataas na sya. Kung paga bente pababa, mali ang tantsa ko. Sa amo ng kanyang mukha ay iisipin mo di pa sya tuli, pero diko na inisip yun. Naka order na ako ng aking sosyal na food nang makita ko sya na nakapila sa isang orderan ng mixed veggie. Umupo sya sa tapat ko at nakita ko kung gaano sya kabilis kumain. Parang two days na syang gutom. Pagod na pagod marahil ang JP De Guzman look-a-like ng Singapore. Naramdaman ko na mabait sya kase di sya umiinom ng tubig habang kumakain. Matapos nya maubos ang kanin ay rumesbak pa sya kay uncle at bumili ng isa pang rice. Akala ko mga pinoy lang ang malakas kumain. Sa puntong ito lalong lumalim ang iniisip ko sa kanya. Mabuting tao kaya si JP. Gusto kong i-offer ang inumin ko para makakain sya ng maayos.
Natapos nya na agad ang kanyang masarap na pagkain na may extra sarsa. Tumayo na sya at bumalik pa ulit sa bilihan ng food. Wow! tama na JP, busog na ako dami mo na nakain boy! Nag takeout pa sya ng food. Naisip ko na baka midnight snack nya yun or may nagpabili lang na kaopisina or initiation yun sa fraternity na pinapasukan nya.
After makuha ang binalot ni uncle ay lumakad na sya palayo at sinundan ko sya ng tingin, hanggang sa pumunta sya sa bilihan ng inumin. Napagod siguro sa kakabalik-balik sa orderan ng food. Iinom na sya. Nagtaka ako na medyo matagal sya sa bilihan ng drinks. Matatapos ko ba ang kwento nya, na parang walang ending kung di pa sya magbabayad at magsasalita ng order nya. Nagsalita na rin. Nabasa ko sa malayo ang sinabi nya "pagbilan po" (may subtitle kase, naka-on). Dumukot si JP ng barya sa bulsa at nagbilang for one minute. Wow dami nya barya sa buhay!
Kung word of wisdom ang barya ni JP, ano kaya ang mga ito?
Inabot na ng tindera ang limang kape na order nya. Taray! limang kape. Bigtime naman pala si JP pagdating sa inumin e. Pero sa sobrang amo ng face ni JP ay may pakiramdam ako na inutusan lang sya bumili nun. Kung initiation man yun ay bakit sya malungkot? Baka pagod lang talaga sya sa kakaikot ng elisi ng eroplano. Maamo ang mukha ni JP, kung babae ako ay maka-crushan ko sya. Sana lang wala syang amoy.
Umalis na si JP na dala ang limang kape at isang balot ng food. Sa puntong ito, I am very much sure na mabuting tao sya. Di pa rin kase sya uminom ng tubig. 
Kung makita nyo si JP sa Terminal 1, paki-kamusta na lang ako. +