BOKAbolaryo

Mga makabagong salita na ngayong pa lamang maisusulat. Oridyinal ko 'to! Pero kung nabasa or naulinigan mo na dati sa ibang tao, magkasing-talino kami. 


Baldtrip - Kalbong galit at kalbong nang-aano ng kapwa.

     Saan nga ba nagmula ang pamahiin na "Kalbo, masamang tao!"? Actually sa Pilipinas lang talaga may meaning ang salitang ito. Nung unang panahon kase, way back the 60's, maraming hipi, afro at ang mga taong isinumpa ang gunting. Bagsak ang industriya ng manggugupit  o ang tinatawag nila dati na barbero. Habang sadsad ang kanilang kalagayan ay namamayagpag naman ang gumagawa ng anti-dandruff shampoo. Kaliwa't kanan ang pagkamal nila ng salapi at literal na natutulog sila sa bed of roses.

     Zoom-in sa makapal at malagong buhok ng afro man.

     Nagkakantahan. Nagkakasiyahan. Palakpakan. At sabay-sabay ang pag-wave tuwing itinataas ng leader ang kanyang kamay at kumukumpas from left to right. "Waaavvvveeee! Wwweeeyyyybbb!" Sa gitna ng kasiyahan ay may biglang malakas na hangin at animo'y nagbubuga at humihigop ng mainit na hangin! Ang kagalakan ng lahat ay napalitan ng katahimikan at slow-motion ang lahat na nagtatakbuhan at naghahanap ng masisilungan at mapagtataguan.

     Nguni't ang lahat ay may katapusan. Sa isang iglap, lahat ay naubos at maraming luha ang umagos habang isinasalba ang mga kapamilya't kamag-anak. Walang natira, isang kalunus-lunos na pangyayari ang umabot sa kanila at hindi nila masabi kung ito ay Act-of-God. Naghihingalo na ang kanilang hari habang unti-unti syang nadudulas. Sa pagbagsak ng kanyang kaharian ay sabay din ang kanyang pagkahulog, Mabilis na bumulusok pababa ang Hari na animo'y nilamon ng alabok. "Ahhhhh... magbabayad kayoooooo!!! Kalbo, masamang tao!!!!

Kalbo, masamang tao... ang huling pangungusap na naisigaw ni Haring Kuto.

Klik mo ito at siguradong masarap ang almusal mo bukas kung hindi ka magtitipid.

__________

Tsinoy - Tsismosong Pinoy. "Kasama ko kagabi sa gimik ang mga barkada kong tsinoy, kung tsino tsino nga ang tsinitsismis e!"

Kunihu - Kuneho in real life.

Ampon - Ampota may ka-ON!

No comments:

Post a Comment