Bumuga, nagbuga, ang usok ay di pumalya.
Kung first time lang ang pag-uusapan ay malamang marami ka nang maibibida na kwento sa inuman or sa simpleng tsismisan lamang. Unang ano, first time sa anuhan, unang kuwan, pinaka-unang chene. Ako rin kaya may perstaym.
Continue reading.
Continue reading.
Noong unang lapag ko dito sa Singapore napansin ko kaagad ang magaan na pakiramdam sa akin ng atmosphere. Nagka-bonding agad kami. Parang sinasabi ng bansang ito sa akin na --"Kamusta naman ang panama ng bansa mo sa akin?". Wag ka nga! Nasanay lang ako sa Pinas na maraming sasakyan, mausok at pang-5th sa Environmental Performance Index out of 11 countries sa ASEAN Region.
Less polluted ang Singapore compare sa bansa natin, but locals here tend to make reklamo kase nga daw ay mausok at polluted na ang bansa nila. Naku powww! Try nyo kaya pumunta sa Manila, medyo mas mausok lang at polluted ng 300 times. Don't get me wrong, di ko sinisiraan ang Manila. Magagalit sa akin si Mayor Lim, Mayor Estrada at Yorme Isko. Ito lang naman ang unang ipinaramdam sa akin ng friendly atmosphere dito sa Singapore.
If you will ask me kung gusto ko dito, syempre tatango ako. Nod nod nod. Marami kaseng uwak, tagak, kalapati, mynah, parrot at kung anu-ano pang ibon na palipad-lipad lang sa vicinity. Hindi sila tinitirador at sasabihing ligaw kaya inadobo. Ayon sa Birds Act dito sa Singapore "Any person who kills, takes or keeps any bird, shall be guilty of an offence and shall be liable at pa-simpleng papasakan ng tatlong kilong patuka sa puwet". Kaya mag-isip isip kayo.
Birds are sign na hindi pa polluted ang lugar. Marami naman migratory bird sa atin, pero halos lahat sa provinces nakikita kase hindi pa masyadong polluted ang lugar. Nakakatuwa ang mga bird dito kase hindi mahiyain at lalapit sila sa'yo. Minsan nga pinagluto ko sila ng mais at talaga namang pinutakti nila, kahit hindi sila putakte.
Babala: Bawal mag-chewing gum dito. Bawal dumura anywhere (although may nakita na rin ako na gumagawa nito). At bawal ang umihi sa gilid ng kalsada (sa gitna pwede). +
__
Gusto ko lang batiin ang aking sarili ng maligayang pagbabalik sa pagsusulat ng blog. Click this link to know more about me at maraming salamat sa pagdaan mo dito sa aking blog. Please give my regards to your family until sa 3rd level of your consanguinity and also to your suking tindahan. Ayos group hug!