Wednesday, 24 July 2013

TSR

Nasulat ko ang tula na ito noong nakatambay ako sa riles for five minutes. Taong 2009 nang wala akong magawa at pinilit na kumuha ng inspirasyon at lakas sa lahat ng tao na aking nakita. Iba't ibang anggulo, iba't ibang istorya. Lahat ay gustong maging bibo, lahat busy sa pang-aano.

Tula Sa Riles

Ngayon ko lang ulit natitigan
Sa riles di nagbago ang kabuhayan
Dating ingay na nakagisnan
Sa mga tao ito na yata ang kasiyahan
Nagmamasid at naiinitan
Sa sarili tila wala na ang nakasanayan.

Dapat ko ba itong ikalungkot
Sa paginog ng buhay sa bawat sangkot
Matagal na ang buhay ay nakabaluktot
Sa pagasa lahat sila ay nakabalot.

Simple lang marahil ang laman ng kukote
Bukas sana ay makabili ng kamote
Kahit pa maghapon mamulot ng bote
Malinis lamang at patas ang diskarte.

Sila naman ay mga simpleng tao
Di na ninais makarating pa sa paraiso
Basta ang pagkain ay laging sakto
Hindi na masisira ang ulo
Okey lang kung ang kain ay kulang sa tatlo
Basta sila daw sana ay tumagal sa mundo.

________
O, alam mo na ang gagawin mo... pindutin this link para makilala mo pa akong mabuti. Salamuch powwhhz!