Monday, 24 December 2012

PILA.

Pasko na pala maya-maya, makagawa nga ng maruya.

Ngayong panahon ng kapaskuhan, makikita ang karamihan ng mga OFW sa halos lahat ng sulok ng outlet sale, sabi nga ng kasabihan "Kung nasaan ang sale, naroon ang Pinoy nakikipagsiksikan". Banggitin mo na ang lahat ng sale nandoon kami, yard sale, warehouse sale, closing out sale, wife sale at marami pang ibang sale. Deadma na ang pawis at amoy ng katabi, makikipagsiksikan at makikipag-unahan kami, makakuha lang ng matinding gift para sa inaanak, kapuso, kapatid, kapamilya at pati na rin kapatilya.
Testcollage

Ang mga Pinoy ay sadyang mapagbigay, kahit nga kaaway gustong bigyan ng tinapay na may vetsin. Give 'til it hurts ang motto ng mga Filipino. Ganyan naman talaga ang drama ng buhay ng mga Pinoy parang pang-MMK, habang nakakaiyak lalong tumataas ang ratings. Minsan sa buhay natin need natin talaga umiyak, katulad nalang habang namimili ako, naluha ako sa amoy ng katabi ko habang sabay kaming naghahalungkat ng damit. Matiisin din tayong mga Pinoy, inisip ko na lang na nagbabalat ako ng sibuyas. Atleast, di ko na kailangan gumamit ng wind vane from science class ni Mr. Olase, alam ko na sa akin papunta ang hangin.

Mapagbigay at matiisin tayong mga Pinoy, tayong mga OFW.

Kaya ngayong kapaskuhan, pasalamatan nyo ang inyong kapamilya na OFW na nagpadala ng pang-gimik nyo sa Boom na Boom at MOA.

Kami ang buhay na bayani ng ating bayan, mabuhay kami at hindi kami namatay sa amoy ng ibang lahi. We survived them.

Makapagbayad na nga, ang haba pa ng pila.

__
Salamat ulit sa pagdaan mo dito sa blog ko, minsan daan ka naman sa riles marami akong kamag-anak doon. Make pindut-pindot this link to know more about me at baka minsan ay makapag-kape na tayo sa bubong. Merry Christmas to you and give my regards to your family.
Teka pala, para mo nang awa... i-share mo 'to sa kaibigan mo! Haha. Ingat sabi ni John Lloyd!

Wednesday, 5 December 2012

MAHIRAP.

Madali lang isipin ang kahulugan ng pamagat ng blog post na ito. Madaling lang, kase kabaligtaran lang ng madali. Pero kung uusisain mo ang mga kalbo, baka mapakamot sila sa ulo. Sadya yatang marami itong kayang gawing pagbabago sa buhay ng mga tao. Sa isip. Sa salita. O, wag mo sabihing sa gawa! Huwag mo sabihin... gawin mo!

Hindi ako sumisigaw ha, nagkukwento lang.

Mahirap ka kung ikaw ay hindi madalas maintindihan ng kausap mo, bata man sila o matanda. Ayusin mo muna ang thought na tumatakbo (anong race na?) sa iyong isipan at tsaka mo ibuga ng SWAbe, 'wag magmadali at pakabahin ang sarili. Ulit-ulitin lang ang ganitong proseso at siguradong ikaw na ang susunod naming kandidato.

Mahirap ka kung sarado ang pananaw mo sa mga bagay-bagay. Isipin mo na lang palagi ang unang parte ng bugtong, "hindi tao, hindi hayop". Pero 'wag mo isipin na isa ka sa mga iyan. Hindi tao ang kaaway mo kundi ang iyong sarili, pag ipinagpatuloy mo ang ugaling asal mo. Hindi hayop ang kausap mo, kaya marapat lang na bigyan mo sila ng chance na makapagpaliwanag kahit sa dilim.

Mahirap ka kung ikaw ay ipinanganak na mahirap, pero di pa dyan dapat matapos ang kahulagan ng salitang ito para sa'yo. May pag-asa pa. Mag-aral at magtiyaga. Gawin mong inspirasyon ang buhay at pagsisikap ng iyong mga magulang. Gawin mong inspirasyon ang kwento at tagumpay ng iyong mga kapitbahay.
Basta gawin mo.

Inspirasyon

Mahirap ka kung hindi mo ito nabasa. B_ _ _et ka! Hehe.

___
Thank you for reading my story. Share your mahirap experiences by clicking the "response" button below. By making pindut-pindot this link you will know more about me and after that kilala mo na ako. Salamat ulit sa pagdaan mo dito sa blog site ko. Hanggang sa iyong muling pagbabalik. Give my regards to your Nanay, Tatay at yung sa may gusto ng tinapay.