Minsan sa buhay natin marami talaga taong nagdaan sa atin, literal na dumaan lang sa harapan natin. Ginawa ko ang blog na ito para lang mabigyang istorya ang mga taong nakita ko na di ko man lamang nakilala. Maaaring masama o mabuti sila. Maganda sa aking paningin at may maganda rin akong na-imagine (wholesome po!). Basta ito ay kwento lamang na tumakbo sa aking isipan na maaring kapulutan ng aral o maaari rin naman magkaroon tayo ng pulutan. Tagay na!
Teka bago pa magkalasingan ay bigyan muna natin ng buhay ang kwento ni JP, di tunay na pangalan.
Jaskeng Pasko Ni JP sa Changi Airport.
Nagutom. Napagod. Naghanap ng makakainan. Nakita ko si JP na kumakain sa canteen ng Changi Airport Terminal 1. Isa syang empleyado ng paliparan na may ekis na berde sa likod at harap ng katawan. Sa tantsa ko, nasa paga bente pataas na sya. Kung paga bente pababa, mali ang tantsa ko. Sa amo ng kanyang mukha ay iisipin mo di pa sya tuli, pero diko na inisip yun. Naka order na ako ng aking sosyal na food nang makita ko sya na nakapila sa isang orderan ng mixed veggie. Umupo sya sa tapat ko at nakita ko kung gaano sya kabilis kumain. Parang two days na syang gutom. Pagod na pagod marahil ang JP De Guzman look-a-like ng Singapore. Naramdaman ko na mabait sya kase di sya umiinom ng tubig habang kumakain. Matapos nya maubos ang kanin ay rumesbak pa sya kay uncle at bumili ng isa pang rice. Akala ko mga pinoy lang ang malakas kumain. Sa puntong ito lalong lumalim ang iniisip ko sa kanya. Mabuting tao kaya si JP. Gusto kong i-offer ang inumin ko para makakain sya ng maayos.
Natapos nya na agad ang kanyang masarap na pagkain na may extra sarsa. Tumayo na sya at bumalik pa ulit sa bilihan ng food. Wow! tama na JP, busog na ako dami mo na nakain boy! Nag takeout pa sya ng food. Naisip ko na baka midnight snack nya yun or may nagpabili lang na kaopisina or initiation yun sa fraternity na pinapasukan nya.
After makuha ang binalot ni uncle ay lumakad na sya palayo at sinundan ko sya ng tingin, hanggang sa pumunta sya sa bilihan ng inumin. Napagod siguro sa kakabalik-balik sa orderan ng food. Iinom na sya. Nagtaka ako na medyo matagal sya sa bilihan ng drinks. Matatapos ko ba ang kwento nya, na parang walang ending kung di pa sya magbabayad at magsasalita ng order nya. Nagsalita na rin. Nabasa ko sa malayo ang sinabi nya "pagbilan po" (may subtitle kase, naka-on). Dumukot si JP ng barya sa bulsa at nagbilang for one minute. Wow dami nya barya sa buhay!
Kung word of wisdom ang barya ni JP, ano kaya ang mga ito?
Inabot na ng tindera ang limang kape na order nya. Taray! limang kape. Bigtime naman pala si JP pagdating sa inumin e. Pero sa sobrang amo ng face ni JP ay may pakiramdam ako na inutusan lang sya bumili nun. Kung initiation man yun ay bakit sya malungkot? Baka pagod lang talaga sya sa kakaikot ng elisi ng eroplano. Maamo ang mukha ni JP, kung babae ako ay maka-crushan ko sya. Sana lang wala syang amoy.
Umalis na si JP na dala ang limang kape at isang balot ng food. Sa puntong ito, I am very much sure na mabuting tao sya. Di pa rin kase sya uminom ng tubig.
Kung makita nyo si JP sa Terminal 1, paki-kamusta na lang ako. +
No comments:
Post a Comment