Monday, 1 October 2012

KAYOD.

Nagmamadali. Napapangiti. Nangingiwi kase naiihi.
Kasama ko ang mga barkada kong tsinoy (tsismosong pinoy) nang mahagip ng aking kaliwang mata si Kadyo, di tunay na pangalan. Nasa edad kwarenta pataas na sya at may sukbit na mabigat na mahiwagang backpack. Sa tantsa ko sa kanya ay kahapon pa sya pagod. Isa syang tipikal na pinoy (i-google mo). May dala syang plastic na may lamang pagkain, siguro tsibog nya paguwi o pasalubong sa mga anak. Isang plastic lang naman ang dala nya, kung iisipin mo di yun magkakasya sa isang pamilya, kung di mo naman iisipin walang kwento. Baka sya nga lang ang kakain mag-isa. Baka nasa Pilipinas ang pamilya nya. Baka
Mahirap talaga ang buhay sa labas ng bansa, bukod sa mahirap makipag-usap ay ibang iba talaga ang kultura, kung susumahin mo, bale mahirap talaga. Naalala ko tuloy ang ginawa kong kanta para sa kaibigan ko na nasa barko, pero wala itong tono.
Kayod
Kung naging hobby mo na ang kumayod in your entire life para sa pamilya mo ay bilib ako sayo. Pasasaan ba at makakaluwag-luwag din tayo. +

___
Thank you for reading my story. By making pindut-pindot this link you will know more about me. Hanggang sa iyong muling pagbabalik-basa sa aking blog. Salamuch kapwa ko OFW.

No comments:

Post a Comment