Sunday, 28 October 2012

NAYBI.

Maitim. Matanda. Kuba. Makupad. 
Kung ‘di mo pa naaabot ang ganitong estado o itsura ikaw ay mapalad.

Maganda. Maaruga. Mabuti at bukas palad.
Kung ikaw ay tumanda at dala-dala ang ganitong katangian ikaw ay mapalad.
I remember my childhood getting especial treatment, getting a much bigger slice of the pie come christmas time or just an ordinary day to them having an extra money to give, extra money to share. I missed those days that I am very special to my favorite husband and wife. At some point in time sa buhay ko while growing up sa riles thinks how much love they gave and shared to my family is priceless and they never thought of getting anything in return. Natural lang sa kanila ang tumulong. 
Now that she is old and very weak, ‘di ko maisip kung saan sya kumukuha ng lakas. I know she is not perfect, she flawed. While some are frustrated with their flaws, she concentrates on giving unconditional love to her children no matter what. A woman with full of grace in her heart that will always think ways to survive their daily living. 

The last conversation I had with her before going back here in Singapore was to get her a “pansit bihon” and a mefenamic acid for her aching body. Pero diko nabili, instead I bought her some grocery items and delivered to their shanty under the P. Zamora link bridge. The day of my flight I went to her and had a little talk and she said to me “Aalis ka na ulit?, Basta wag mo ako kalilimutan ha. Hindi ko na kaya e”. My heart melts and I said to myself, ofcourse di kita makakalimutan kase ikaw ang paborito kong tita, paborito kong ninang at ang paborito kong ka-birthday, Nay Bireng.
Nb2
Nb3

Salamat Nay Bireng at Tay Sulib sa tulong n’yo sa amin nung panahon na nag-aaral pa kaming lahat.

Nb4

We will be having our "pancit bihon" party pag-uwi ko, Nay Bireng. Promise. 

___
Thank you for reading my story. Click here to know more about me and if not asking too much please share my blog to your friends and family. Salamuch.
You can also email me at jocapsmc@gmail.com or click the "responses" button below to leave a message.



Wednesday, 24 October 2012

PATOK.

Ang hatak ay patok. Pag bumanking, ingatan ang ulo at baka mabagok.

“Fortune, Fortune, Fortune! Aalis na oh, nagmamadali rin kami!” I remember hearing this from one of the jeepney helper (pahinante) of the patok jeepney during my Eat Bulaga heydays. Sasakay ako from Fernando’s Stop and Shop going to Katipunan para pumasok sa EB and at that time ginagawa pa lang ang MRT 2. Sobrang traffic, lalo na pagdating sa Cubao. Pagbaba ko sa NCBA, Katipunan kakilala ko na ang halos lahat ng pasahero ng jeep. Exchange beeper number na kami.

Panalo talaga ang malakas na music ng patok na jeep na halos sumabog na ang left ventricle at superior vena cava mo! (‘wag ka maarte part ng heart yan!). Nakakamis talaga ang panahon na ‘yon at ang pawis ng katabi ko. Dito kase sa Singapore ang bus ay walang built-in music na bongga. Pero nabuhay naman ang aking aorta ng marinig ko sa Kiss92 FM radio station dito na sinabing “It’s More Fun In The Philippines”. Nakakatuwa marinig sa radyo ng isang convenient shop slash gasoline station ang campaign na ito.

The effort of the Department of Tourism in promoting our motherland will catapult the country into one of the region’s best performer in the future. Salamat Ramon Jimenez and all the people working at Tourism Department simula sa gate hanggang sa bubong ng building n’yo. Let us help everyone to self promote our country ntalagang “It’s More Fun In The Philippines” lalo na ‘pag nakakain sila ng balut. +

___
Click here to know more about me and let us share our story. Our true story. Thank you for reading and you can re-tweet, like and share my blog to your friends and our kababayan as well as making a quick comment by clicking the "responses" button just below this line. Hindi ako magagalit, promise. Salamuch powhz!

Tuesday, 16 October 2012

LASING.

Hindi naman lasing pero mata'y naduduling. 

In na sa makabagong panahon ang tipo ng taong, lasing pero walang pera, lasing pero walang trabaho, lasing pero tulog at ang lasing na gusto lang talagang maglasing.

Si Guidaben ay isang classic example ng lasing na gusto lang talaga maglasing, Hobby nya lang!


___
Salamat sa pagdaan mo dito sa blog ko, minsan daan ka naman sa riles marami akong kamag-anak doon at hanapin mo si Guidaben. Make pindut-pindot this link to know more about me and give my regards to your family.

Teka pala, para mo nang awa... i-share mo 'to sa kaibigan mo! Haha. Mag-ingat ka palagi. +

Sunday, 14 October 2012

PILIT.

Kinuha . Pinilipit.
Pinilit. Isinukbit.
Ipinahid sa damit
ang laman ng ilong na madikit.

___
Hindi ito kadiri. Madalas talaga syang gawin ng daliri.
Kilalanin mo pa akong mabuti. Para sa pag-usad ng ating mga beauty. 
#makarhymelangtalagaako



Wednesday, 3 October 2012

KUHA.

Nakita. Nakatihaya. Kung pupulutin ba ay nakakahiya?
Nakatingin ako sa langit ng bahagya (parang 30x60 na triangle) habang naglalakad at binibilang ng dila ko ang aking mga ngipin. Patawid na ako sa kalsada nang sa gitna nito ay may natanaw akong makintab na bagay. Nakita rin sya malamang ng iris ni Kuh A. Polotin, di tunay na pangalan.
Napahinto kami ng ilang minuto sa tapat ng kumikinang na bagay kase my brain assumed that it was a gold, pero mali sya, ito ay 1 Singapore dollar. Di malaman ni Kuh kung pupulutin nya, sa hiya nya ay nilagpasan nalang ung S$1 siguro yung brain nya sets her up in advance na wag na pulutin. Kinakanta na ng isip ko ang “Ako ang Nagwagi” habang papunta sa kabilang rampa ng kalsada. Naisip ko lang bigla na kung araw araw ako makakapulot ng wandalar, sa edad  kong ito siguro mayaman na ako.
Pero natutunan ko rin sa alta de sociedad na hindi madaling yumaman, mas madaling maghirap at ito ay napatunayan ko na since birth, promise. Pero may mga paraan naman para makaluwag-luwag. Tulad na lang ng makilala ko si Manny, eto tunay na pangalan ‘to.

Mannyfin


Manny introduced to me the power of internet marketing kahit super busy ka pa at super serious po kami to help people earn an extra income online. Click here to know more about me. Thanks!

Tuesday, 2 October 2012

BATAS.

Matagal na nating nasubukan ang pagkakaisa ng bawat Pinoy, bagyo, lindol, sunog, pagtaas ng pamasahe, traffic sa eskinita, iniwan ng dyowa, nandila na asawa at ngayon ay ito namang Cybercrime Prevention Act of 2012 (R.A. 10175), na magkakaisa ang lahat para tutulan.


Bawal2


Kung ating uusisain ay mukhang pang kriminal ang titulo pa lamang, tama at talagang kulong agad ang sino mang mag re-tweet, re-blog, re-post or share any updates containing criticisms. Pati na rin ang pag-like ng fb status ay pwede na rin arestuhin ng mga pulis pang-cyber. Astig din ang gobyerno ngayon dahil may karapatan na silang kumuha ng data sa bawat social network account natin, packing tape naman! Nagsipagnginigan ang mga bagang ng tao sa Pilipinas at planong magkaroon ng malawakang protesta ang mga kapamilya, kapuso at kapatilya sa cyber world para labanan ang mga cybercrap at ang mismong Cyber Law na ito.

Nakakatakot din ang “eMartial Law” na ito dahil anytime pwede ka nila invite sa fb as prisoner nila, ganun lang kadali magpakulong ngayon. This R.A. 10175 gets graver punishment kontra sa libel case committed by traditional print media. Traditional print media libel gets 4years and 2months while online libel is punishable by 12years imprisonment, anak ng torta tama ba naman yan! Ok lang sana kung sa MalacaƱang tayo makukulong e, atleast makikita ni Pnoy kung gaano karami ang papakainin nya araw-araw.

Hopefully maging maayos ang ending ng R.A 10175 na ito at magbalik sigla ang buhay ng mga Pinoy kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay na via internet lang nila nakikita at nakakakwentuhan. +

___
Did you know that earning money using FB or other social networking site can be a success story. A true story.

WISIK.

Malamig parang tubig, di naman pag-ibig.

Medyo matagal n a  panahon na rin na di ko nakikita ang mga High School batchmate ko. Namiss ko tuloy nung kapanahunan namin sa Mataas na Paaralan ng Mababa. Madali lang magsulat at sa palagay ko dun ako natuto magsulat ng ingles. Sample sulat ko: “Barkada 88 was here”, “What are you Holding On?”, “I can see Nothing”. Yan ang mga katagang naisulat ko sa banyong mapanghi at dito ko rin nakasalubong ang first crush ko, matalino, maputi, masipag at magulo ang buhok.

At sa tuwing makakasakay ko sa bus every Tuesday ang kamukha ng first crush ko ay para akong winiwisikan ng tubig sa mukha. Mukhang mabango si Ang Ghan Duh, di tunay na pangalan.

Martes na naman o kay tulin ng araw, naupo sa harapan ko si Ang Ghan. Makinis ang batok at ang ganda ng kalahating mukha nya na nakikita ko sa reflection ng salamin ng bus. Swerte ko at wala kaming katabing mga anap (pana pag binaliktad ang basa). Ang anap o anaps ay mga taong di masyado kaiga-igaya ang amoy mapaumaga man o lalo na sa hapon. Di naman ako karerista (racist), pero minsan masama rin kapag napapaligiran ka ng masasamang amoy. 

Balik tayo kay Ang Ghan, sa tantsa ko ay nasa early 20’s pa lang sya kase maaga pa e, 7am. Sa ganda ng kyutiks nya ay mukha syang mabait na anak at di sya inuutusan ng mga magulang maghugas ng platito kaya sya na mismo ang nagkukusa. Mauuna sya bababa sa akin ng 2 bus stops. Kaya bago pa man bumaba ay pinilit ko tapusin ang blog na ito.

Angghan

Pinindot na nya ang dingdong at lumakad na sa exit door. Takbo na rin ako para sundan sya at matapos na ang kwento ko sa kanya. Pagbaba namin ay inihatid ko sya ng tingin hanggang sa building na pinagtatrabahuhan nya. Pero di ako sure kung dun nga sya nagwowork. Kase doon sya pumasok kaya naisip ko dun sya pumapasok. Sakto.
Naglakad na ako papunta sa work ko. Next Tuesday ulit Ang Ghan Duh. +    


Monday, 1 October 2012

KAYOD.

Nagmamadali. Napapangiti. Nangingiwi kase naiihi.
Kasama ko ang mga barkada kong tsinoy (tsismosong pinoy) nang mahagip ng aking kaliwang mata si Kadyo, di tunay na pangalan. Nasa edad kwarenta pataas na sya at may sukbit na mabigat na mahiwagang backpack. Sa tantsa ko sa kanya ay kahapon pa sya pagod. Isa syang tipikal na pinoy (i-google mo). May dala syang plastic na may lamang pagkain, siguro tsibog nya paguwi o pasalubong sa mga anak. Isang plastic lang naman ang dala nya, kung iisipin mo di yun magkakasya sa isang pamilya, kung di mo naman iisipin walang kwento. Baka sya nga lang ang kakain mag-isa. Baka nasa Pilipinas ang pamilya nya. Baka
Mahirap talaga ang buhay sa labas ng bansa, bukod sa mahirap makipag-usap ay ibang iba talaga ang kultura, kung susumahin mo, bale mahirap talaga. Naalala ko tuloy ang ginawa kong kanta para sa kaibigan ko na nasa barko, pero wala itong tono.
Kayod
Kung naging hobby mo na ang kumayod in your entire life para sa pamilya mo ay bilib ako sayo. Pasasaan ba at makakaluwag-luwag din tayo. +

___
Thank you for reading my story. By making pindut-pindot this link you will know more about me. Hanggang sa iyong muling pagbabalik-basa sa aking blog. Salamuch kapwa ko OFW.