Wednesday, 24 October 2012

PATOK.

Ang hatak ay patok. Pag bumanking, ingatan ang ulo at baka mabagok.

“Fortune, Fortune, Fortune! Aalis na oh, nagmamadali rin kami!” I remember hearing this from one of the jeepney helper (pahinante) of the patok jeepney during my Eat Bulaga heydays. Sasakay ako from Fernando’s Stop and Shop going to Katipunan para pumasok sa EB and at that time ginagawa pa lang ang MRT 2. Sobrang traffic, lalo na pagdating sa Cubao. Pagbaba ko sa NCBA, Katipunan kakilala ko na ang halos lahat ng pasahero ng jeep. Exchange beeper number na kami.

Panalo talaga ang malakas na music ng patok na jeep na halos sumabog na ang left ventricle at superior vena cava mo! (‘wag ka maarte part ng heart yan!). Nakakamis talaga ang panahon na ‘yon at ang pawis ng katabi ko. Dito kase sa Singapore ang bus ay walang built-in music na bongga. Pero nabuhay naman ang aking aorta ng marinig ko sa Kiss92 FM radio station dito na sinabing “It’s More Fun In The Philippines”. Nakakatuwa marinig sa radyo ng isang convenient shop slash gasoline station ang campaign na ito.

The effort of the Department of Tourism in promoting our motherland will catapult the country into one of the region’s best performer in the future. Salamat Ramon Jimenez and all the people working at Tourism Department simula sa gate hanggang sa bubong ng building n’yo. Let us help everyone to self promote our country ntalagang “It’s More Fun In The Philippines” lalo na ‘pag nakakain sila ng balut. +

___
Click here to know more about me and let us share our story. Our true story. Thank you for reading and you can re-tweet, like and share my blog to your friends and our kababayan as well as making a quick comment by clicking the "responses" button just below this line. Hindi ako magagalit, promise. Salamuch powhz!

No comments:

Post a Comment