Matagal na nating nasubukan ang pagkakaisa ng bawat Pinoy, bagyo, lindol, sunog, pagtaas ng pamasahe, traffic sa eskinita, iniwan ng dyowa, nandila na asawa at ngayon ay ito namang Cybercrime Prevention Act of 2012 (R.A. 10175), na magkakaisa ang lahat para tutulan.
Kung ating uusisain ay mukhang pang kriminal ang titulo pa lamang, tama at talagang kulong agad ang sino mang mag re-tweet, re-blog, re-post or share any updates containing criticisms. Pati na rin ang pag-like ng fb status ay pwede na rin arestuhin ng mga pulis pang-cyber. Astig din ang gobyerno ngayon dahil may karapatan na silang kumuha ng data sa bawat social network account natin, packing tape naman! Nagsipagnginigan ang mga bagang ng tao sa Pilipinas at planong magkaroon ng malawakang protesta ang mga kapamilya, kapuso at kapatilya sa cyber world para labanan ang mga cybercrap at ang mismong Cyber Law na ito.
Nakakatakot din ang “eMartial Law” na ito dahil anytime pwede ka nila invite sa fb as prisoner nila, ganun lang kadali magpakulong ngayon. This R.A. 10175 gets graver punishment kontra sa libel case committed by traditional print media. Traditional print media libel gets 4years and 2months while online libel is punishable by 12years imprisonment, anak ng torta tama ba naman yan! Ok lang sana kung sa MalacaƱang tayo makukulong e, atleast makikita ni Pnoy kung gaano karami ang papakainin nya araw-araw.
Hopefully maging maayos ang ending ng R.A 10175 na ito at magbalik sigla ang buhay ng mga Pinoy kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay na via internet lang nila nakikita at nakakakwentuhan. +
___
Did you know that earning money using FB or other social networking site can be a success story. A true story.
No comments:
Post a Comment