Tuesday, 2 October 2012

WISIK.

Malamig parang tubig, di naman pag-ibig.

Medyo matagal n a  panahon na rin na di ko nakikita ang mga High School batchmate ko. Namiss ko tuloy nung kapanahunan namin sa Mataas na Paaralan ng Mababa. Madali lang magsulat at sa palagay ko dun ako natuto magsulat ng ingles. Sample sulat ko: “Barkada 88 was here”, “What are you Holding On?”, “I can see Nothing”. Yan ang mga katagang naisulat ko sa banyong mapanghi at dito ko rin nakasalubong ang first crush ko, matalino, maputi, masipag at magulo ang buhok.

At sa tuwing makakasakay ko sa bus every Tuesday ang kamukha ng first crush ko ay para akong winiwisikan ng tubig sa mukha. Mukhang mabango si Ang Ghan Duh, di tunay na pangalan.

Martes na naman o kay tulin ng araw, naupo sa harapan ko si Ang Ghan. Makinis ang batok at ang ganda ng kalahating mukha nya na nakikita ko sa reflection ng salamin ng bus. Swerte ko at wala kaming katabing mga anap (pana pag binaliktad ang basa). Ang anap o anaps ay mga taong di masyado kaiga-igaya ang amoy mapaumaga man o lalo na sa hapon. Di naman ako karerista (racist), pero minsan masama rin kapag napapaligiran ka ng masasamang amoy. 

Balik tayo kay Ang Ghan, sa tantsa ko ay nasa early 20’s pa lang sya kase maaga pa e, 7am. Sa ganda ng kyutiks nya ay mukha syang mabait na anak at di sya inuutusan ng mga magulang maghugas ng platito kaya sya na mismo ang nagkukusa. Mauuna sya bababa sa akin ng 2 bus stops. Kaya bago pa man bumaba ay pinilit ko tapusin ang blog na ito.

Angghan

Pinindot na nya ang dingdong at lumakad na sa exit door. Takbo na rin ako para sundan sya at matapos na ang kwento ko sa kanya. Pagbaba namin ay inihatid ko sya ng tingin hanggang sa building na pinagtatrabahuhan nya. Pero di ako sure kung dun nga sya nagwowork. Kase doon sya pumasok kaya naisip ko dun sya pumapasok. Sakto.
Naglakad na ako papunta sa work ko. Next Tuesday ulit Ang Ghan Duh. +    


No comments:

Post a Comment